SIRANG AIRCON | Mga commuter ng LRT line 2, umalma

Manila, Philippines – Umapela ang mga pasahero ng LRT line 2 kay LRT Administrator Reynaldo Berroya na agad ng bigyan ng agarang aksyon ang matagal ng dinadaing ng mga commuter ng LRT line 2 dahil sa walang aircon ang naturang tren.

Mahigit isang buwan na nilang pinapanawagan sa pamunuan ng LRT line 2 pero wala pa rin ginagawang aksyon ang naturang ahensiya ng gobyerno.

Paliwanag ng mga pasahero bukod sa walang aircon sobrang siksikan pa kaya karamihan sa mga senior citizen ay dumadaing at nahihirapan dahil sobrang init sa loob ng tren at kung minsan ay biglang nagprepreno ang operator ng LRT line 2 na naging dahilan ng kanilang pagsubsob.


Facebook Comments