SISIGURADUHIN | Knockout win ni Marquez kay Pacquiao, hindi mauulit sa laban niya kay Matthysse

29

Hindi mauulit kay Lucas Matthysse ang pagkatalo ni Manny Pacquiao non kay Mexican Boxer Juan Manuel Marquez via knockout.

Ito ang tiniyak ng kampo ng Pambansang Kamao kasunod ng bantang knockout kay Pacquiao ng Argentine Boxer.

Matatandaang sinabi ng coach ni Matthysse na si Joel Diaz na gagamitin niya ang strategy na itinuro niya dati kay Marquez.

Ayon naman kay Aquiles Zonio, media relations officer ni Pacquiao, natuto na si Pacquiao sa naging pagkatalo niya noon kay Marquez kaya hindi na uubra ang sinasabi nitong strategy.

Pero hindi pa rin naman daw minamaliit ni Pacquiao ang kakayahan ni Matthysse.

Facebook Comments