SISIGURADUHIN | Pagpapatupad ng anti-dynasty provision sa Barangay at SK Elections, tiniyak ng COMELEC

51

Manila, Philippines – Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na ipapatupad nila sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections ang anti-dynasty provision.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, kailangan na ilagay ng mga SK candidates sa kanilang Certificates of Candidacy (COC) na wala silang relasyon sa mga kasalukuyang barangay officials at elected government official.

Una nang nilagdaan ni dating pangulong Noynoy Aquino ang Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015 kung saan kabilang ang anti-dynasty provision.

Giit ni Jimenez, mahigpit nilang babantayan ang anumang “violence” at “vote buying” sa araw ng halalan lalo pa at gagawin dito ang manual voting.

Babantayan din aniya ng COMELEC at poll watchers ang mga lalabag at magtatangkang mang-impluwensiya ng botante.

Facebook Comments