SISIGURADUHIN | PNP, tiniyak na hindi mauuwi sa Martial law ang panghuhuli sa mga tambay

Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi mauuwi sa Martial law ang pang-huhuli sa mga tambay sa kalsada.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, ang pinakarason lang naman ng panghuhuling ito ay para sa seguridad at kapayapaan.

Aniya, ang mandato niya sa mga commanding officer ay ang tiyakin na naipatutupad ang human rights.


Sa oras na mapatunayan naman aniya at ma- verify na hindi naman talaga tambay ang isang nadakip, agad itong pakakawalan ng mga pulis.

Facebook Comments