Sistemang paiiralin ng Comelec para maiwasan ang dayaan sa halalan, inilatag na ng poll body

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na hindi makakalusot sa halalan sa Mayo ang mga hindi otorisadong mga balota at vote counting machines.

Ayon kay Director Jeannie Flororita ng Comelec Information and Technology Department, may sistemang paiiralin ang komisyon para matiyak na walang mangyayaring dayaan.

Tinukoy ni Director Flororita na bawat presinto ay may vote counting machine at may partikular na balotang nakalaan.


Hindi rin aniya tatanggapin ng vote counting machine o VCM ang mga balota na hindi nakalaan para sa mga makina.

Facebook Comments