Patuloy na nakatutok ang Department of Information an Communications Technology (DICT) sa inaasahang pagpalo ng disinformation hangga’t hindi pa natatapos ang canvassing.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon sinabi ni DICT Spokesperson Renato Paraiso, na itinuturing pa ring kritikal kontra misinformation at fake news ang sitwasyon hangga’t hindi pa ganap na natatapos ang bilangan.
Inaasahan aniya nila na aatakihin ng mga magpapakalat ng misinformation ang anggulo ng pagkatalo ng ibang mga kandidato at palalabasing kuwestiyonable ang integridad ng mga automated counting machines (ACM).
Ayon pa kay Paraiso, tiyak na hindi huhupa ang pagpapakalat ng maling impormasyon hanggang sa proklamasyon kaya’t patuloy silang nakabantay gaya ng kanilang ginawa bago ang eleksyon.
Hindi na rin aniya cyber attacks ang kanilang tututukan sa ngayon dahil marami nang safeguards ang nailatag ng pamahalaan laban dito.