Sitwasyon ng mga Pinoy sa LA sa gitna ng malawakang Immigration operation, pinatututukan ni PBBM

Pinatututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kalagayan ng mga Pilipino sa Los Angeles, California, sa gitna ng nangyayaring protesta at Immigration operation sa lugar.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mahigpit na bilin ni Pangulong Marcos sa Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Philippine Consulate na tiyakin ang pagbibigay ng tulong sa mga Pilipinong nasa ibang bansa, lalo na sa mga naapektuhan ng operasyon.

Kaugnay niyo nagpaalala naman ang Palasyo sa mga Pilipinong nasa abroad na kailangan ring sumunod sa mga batas ng bansang kung saan sila nakatira o nagtatrabaho.

Matatandaang kinumpirma ng Philippine Consulate sa LA na may isang Pilipinong inaresto ng US Immigration and Customs Enforcement sa gitna ng nagpapatuloy na malawakang operasyon sa lugar.

Facebook Comments