Sitwasyon sa Pakistan, mino-monitor ng Philippine Embassy kasunod ng serye ng mga suicide attacks

110

Pakistan – Masusing mino-monitor ng Philippine Embassy sa Islamabad ang sitwasyon sa Pakistan.

Kasunod ito ng serye ng mga pag-atake sa Parachinar at Quetta City.

Sa naturang mga pag-atake, walumpu ang nasawi at marami ang nasugatan.


Pinapayuhan naman ng embahada ang mga Pilipino sa Pakistan na makipag-ugnayan sa kanila sakaling mangailangan ng tulong.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga kaanak ng nadamay sa terror attacks.

Facebook Comments