Sitwasyon sa Palawan – nananatiling normal sa kabila report na target ito ng bandidong Abu Sayyaf….mga resorts sa Coron – mas pina-igting ang kanilang ipinapatupad na seguridad

57

Manila, Philippines – Nananatiling normal ang sitwasyonngayon sa Palawan, sa kabila ng impormasyon sunod itong target ng bandidong AbuSayyaf.
  Ayon kay Phil. Coast Guard-Coron, Palawan StationCommander Lt. Commander Adrian Vargas – sa ngayon ay nakafull alert ang lahatng pwersa kung saan mahigpit na binabantayan ang mga lugar sa Palawan na targetng ASG.
  Bagamat walang nakikitang palatandaan ng presensya ng ASG – inabusuhan na aniya nila ang lahat ng mga resorts, partikular sa Coron napa-igtingin ang kanilang ipinapatupad na seguridad.
  Una nang pinawi ng mga otoridad ang pangamba ng mgaturista at publiko dahil nakahanda ang buong pwersa ng gobyerno.
 
   

Facebook Comments