Siyam na bihag ng Maute terror group na nailigtas ng militar, isinailalim sa gun powder test

169

Manila, Philippines – Negatibo sa gun powder test ang syam na sibilyang na-rescue ng militar mula sa Maute terror group sa Marawi City.

Ito ang inihayag ni joint task force Marawi Spokesperson Lt Col Jo-Ar Herrera matapos na isailalim ang mga ito sa medical assistance kabilang na ang gun powder test.

Kinilala ang mga sibilyang nakaligtas mula sa maute terror group na sina Ariel Ansaw; Ronie Albacete; Lando Albacete; Dilbert Macatulag; Micheal Ongos; Mario Manggubat; Jimboy Guinsayao; Bryan Catipay; at Algin Generalao.


Isinailalim ng militar sa gun powder test ang syam na bihag upang matukoy kung kabilang ang mga ito sa ginamit ng Maute terror group para makipag bakbakan sa mga sundalo.

Una nang nadiskubre ng militar na pinaghahawak ng baril ng Maute group ang kanilang bihag upang tumulong sa kanila sa giyera laban sa tropa ng pamahalaan.

Facebook Comments