Siyam na heneral na inihayag ni Pangulong Duterte sa kaniyang SONA na sangkot sa drug trafficking, iniimbestigahan na ng PNP

57

Iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) kahapon na may siyam na heneral ang sangkot sa drug trafficking.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, titiyakin niyang mananagot ang mga ito dahil walang puwang sa kanilang organisasyon ang mga tiwaling pulis.


Sa kabila naman ng mga kritisimo, ipinagmalaki ni PNP chief na bumaba ang supply at demand ng droga sa nakalipas na limang taon na nagresulta sa malaking pagbaba ng krimen sa bansa.

Sinabi ni Eleazar na ipagpapatuloy nila ang mga operasyon kontra iligal na droga.

Facebook Comments