Siyam na katao kabilang ang limang kaapelyido ng Maute , hinarang ng militar sa checkpoint sa Sultan Kudarat

144

Sultan Kudarat – Siyam na katao kabilang na ang limang kaapelyedo ng Maute ang hinarang sa isang checkpoint ng militar sa Sultan Kudarat sa Maguindanao.

Ayon kay CIDG ARMM Chief Sr. Supt. James Allan Logan – pinigil ang siyam na indibidwal, kabilang ang dalawang bata, dahil nakalagay sa identification cards ng lima sa kanila ang apelyidong Maute.

Sakay aniya ang siyam ng isang itim na Toyota Innova na may plakang mex 811 na galing Cotabato City.


Hinarang ang sasakyan sa checkpoint sa Brgy. Macaguiling sa naturang bayan.

Dinala ang mga ito sa CIDG-ARMM office sa Cotabato City kung saan sila sumailalim sa pagtatanong upang makumpirma ang tunay na pagkakilanlan ng mga ito.

Facebook Comments