Siyam na katao sa India, patay matapos uminom ng hand sanitizer

90

Patay ang siyam na katao sa India matapos uminom ng hand sanitizer bilang substitute sa alak habang umiiral ang lockdown sa kanilang bansa.


Ayon kay Andhra Pradesh, Police Superintendent sa Kurichedu, nawalan ng malay ang grupo matapos laklakin ang inihalong hand sanitizer sa tubig at soda.

Agad namang isinugod ang mga ito sa ospital pero idineklara nang dead on arrival.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkamatay ng grupo.

Facebook Comments