Siyam na preso, patay sa riot sa Bilibid sa Muntinlupa City

277

Kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) PIO Chief Col. Gabby Chaclag na siyam ang bilang ng mga presong namatay sa naganap na riot kaninang madaling araw sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Partikular ang naging sagupaan sa pagitan ng Sputnik Gang at Commando Gang sa East Quadrant ng maximum security compound ng NBP.


Tiniyak naman ni Chaclag na otomatiko silang magsusumite ng incident report sa Department of Justice (DOJ).

Hindi naman masabi ni Chaclag kung kailan nila maisusumite ang report sa Justice Department.

Ito ay matapos atasan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang BuCor na magsumite ng report sa DOJ sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments