Siyam na sabungero, arestado dahil sa ilegal na sabong sa Muntinlupa City

29

Huli ang siyam na mga sabungero matapos na maaktuhan ng mga pulis na naglalaro ng ilegal na sabong sa Tepaurel Compound, Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Marven Demariano, Celistino Felisilda, Roberto Napoles, Antonio Malquesto, Ernesto Siosan, Bernardo Marfily Macavinta, Jonathan Goco, Eric Brizuelay Virtuz at Rodolfo Orolfo.


Sa ulat ng Southern Police District (SPD), isang concerned citizen ang nagparating sa kanilang impormasyon sa ginagawang ilegal na sabong ng mga sabungero kaya isinagawa ang operasyon dahilan ng pagkahuli ng mga suspek.

Nakuha sa kanila ang dalawa patay na panabong na manok at bet money na ₱2,060.

Nahaharap na ngayon ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal cockfighting.

Facebook Comments