Siyam na sementeryo sa Pateros at Muntinlupa, isasara sa Undas

52

Siyam na sementeryo sa Pateros at Muntinlupa ang isasara sa darating na Undas.

Ayon kay Muntinlupa City Public Information Office Head Tez Navarro, limang sementeryo sa lungsod ang isasara nila sa Undas.

Kabilang dito ang Everest Memorial Park, Buli Cemetery, Japanese Cemetery, Aglipay Cemetery, at Muntinlupa Public Cemetery.

Layon nito na maipatupad ang health protocols sa lungsod at maiwasan ang pagkakaroon ng siksikan sa mga magtutungo sa mga sementeryo.

Samantala, kinumpirma ni Pateros Mayor Ike Ponce na apat sa kanilang mga sementeryo ang isasara rin sa Undas.

Facebook Comments