Siyam na taong gulang na batang babae, pinatay ng sariling tiyuhin sa Davao City

Nakatakdang isailalim sa autopsy ang siyam na talong gulang na batang babae na natagpuang patay matapos mawala sa Sito Lubas, Barangay Paquibato, Davao City noong Biyernes, Marso 17, 2023.

Sa panayam ng DXDC RMN Davao kay Police Major Joenel Pederio, commander ng Paquibato Police Station, ipinaliwanag nito na noong Biyernes nawala ang biktima, at natagpuan itong patay kinabukasan sa isang sulok sa nasabing barangay.

Ayon kay Pederio, ang suspek sa krimen ay ang pinsan ng ama ng biktima na si Anecito Tupas, 31 years old, may asawa at residente rin ng nasabing lugar.


Sa ngayon ay hindi pa makumpirma kung ginahasa ang biktima, dahilan para isailalim ito sa autopsy at may pahintulot din ng mga magulang.

Kahapon (Marso 20, 2023) sinampahan ng kasong murder ang suspek matapos itong agad na arestuhin ng mga awtoridad. Samantala, nakatakda ring isailalim sa drug test ang suspetsado.

Facebook Comments