SK CHAIRMAN SA ROSALES NA ITINUTURING NA HIGH-VALUE INDIVIDUAL DRUG PERSONALITY, SUMUKO SA PULISYA

Sumuko sa pulisya ang isang barangay Chairman sa bayan ng Rosales na itinuturing na kabilang sa top ten priority high-value individual drug personality sa lalawigan ng Pangasinan.
Kinilala ito ng pulisya na si Antonio Arceo II, 25 anyos, residente ng Brgy. Zone 2 Rosales.
Sa pamamagitan umano ng Kasimbayan kaya sumuko si Arceo sa pulisya.

Ang pagsuko nito ay dahil sa tulong na rin ng mga pastor na nagsasagawa ng house visitation kay Arceo.
Kasama ang mga pastor Personal itong sumuko sa istasyon ng pulis at pumirma sa isang affidavit na siya ay drug user.
Ipinangako naman nito na hindi na gagawa pa ng illegal na gawain na may kaugnayan sa droga. Sa kasalukuyan, ito ay nasa kustodiya ng PNP Rosales para sa kaukulang disposis. |ifmnews
Facebook Comments