Skimmer boat ng DENR, lilinisin na rin ang mga estero at sapa ngayong panahon ng mga pagbaha – PRRC

Doble trabaho ngayon ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) para linisin ang mga estero at mga sapa na maaring magpabaha ngayon panahon na ng tag-ulan.

Ayon kay Pasig River Rehabilitation Commission Executive  Director Jose Antonio Goitia, malaking tulong ngayon ang   bagum bagong skimmer boat na nagpabilis  sa paghakot  sa mga water hyacinths sa kahabaan ng Ilog Pasig.

Isusunod na nila ngayon ang clearing operation sa ilog ng San Juan at Marikina.


Sa ngayon, abot na sa dalawang libong sako ng water hyacinths sa kahabaan ng Pasig River sa Maynila ang natanggal simula noong June 27, 2019.

Ang pagtanggal sa mga basura sa Pasig River ay nagpabilis na ngayon sa paglalayag ng mga sea vessels at ferry services.

Facebook Comments