Skyway Stage 3, mananatiling libre habang hinihintay ang pag-apruba ng TRB sa toll fees

94

Mananatili pa ring libre ang Skyway Stage 3 sa mga motorista habang hinihintay pa ang pag-apruba ng Toll Regulatory Board (TRB) sa toll fees.

Ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpuz, pinoproseso pa rin hanggang ngayon ang ipinasang petisyon kung saan inaayos pa ang opisyal na toll rate para sa naturang Skyway.


Aniya, hindi pa kasi nakakapagpasya ang TRB sa hiling na P274 sa kada Class 1 vehicle katulad ng mga motorsiklo, taxi, bus at jeep.

Sa ngayon, umaasa ang mga motorista na mas mababa sa iminungkahi ang babayaran dahil sa sitywasyon sa ekonomiya bunsod ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments