“Smallest waist on a living person”, nasungkit ng 80-anyos na babae sa North Carolina

214

North Carolina – Kinilala bilang “smallest waist on a living person” ng Guinness Book of Record ang 80-anyos na si Cathie Jung na taga-Manteo, North Carolina.

Nagsimulang magsuot ng corset si Cathie Simula pa noong 1983 at ang mas nakakabilib pa dito, 24 hours niya itong isinusuot!


Nabatid na tinatanggal niya lamang daw ito kapag siya ay naliligo kaya naman hindi na nakapagtatakang nasa 15 inches lang ang sukat ng kanyang waistline.

Base pa sa kanya, wala naman daw siyang intensiyon na masungkit ang record na pinakamaliit na bewang kundi magsuot lamang ng gusto niyang damit.
DZXL558

Facebook Comments