SMOKE BOMB | Pagtataboy sa skunk, nauwi sa pagkatupok ng isang bahay

45

Michigan – Pinapayuhang mag-ingat ang lahat sa mga bagay na makapagsisimula
ng sunog lalo na at ginugunita natin ang Fire Prevention Month ngayong
Marso!

Pero alam niyo ba na isang lalaki sa Michigan ang sinunog ang sariling
bahay, para, mapaalis ang isang skunk na dumidistorbo sa kanya.

Ang skunk ay isang hayop na naglalabas ng napakabahong amoy bilang defense
mechanism sa mga tingin niya ay banta sa kanya.

Kaya naman bilang ganti sa mabahong amoy na binubuga nito, ‘A’ for effort
din ang kuya mo at gumanti, gamit lang naman ang smoke bom na naging mitsa
rin ng sunog.

Naitaboy nga ang hayop, pero natupok din ang halos lahat ng kanyang
ari-arian at naabo rin ang kanyang bahay.

www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments