SMUGGLED | Higit 3,000,000 halaga na bigas, naharang ng PCG sa Zamboanga

252

Tinatayang aabot sa 3.6 million pesos ang halaga ng mga smuggled na bigas ang naharang ng pinagsamang pwersa ng Philippine Coast Guard, Philippine National Police at Task Force Zamboanga.

Lumalabas sa imbestigasyon na galing Sabah ang dalawang close truck na may kargang 1,200 sako ng smuggled rice sa RT Lim Boulevard malapit sa Zamboanga City State Polytechnic College.

Matapos makarating sa mga otoridad ang impormasyon kaugnay dito, agad nila itong nirespundehan.

Naaresto ang driver ng truck na may plakang KVY-2980 na kinilala bilang si Roberto Doldoa at si Raymond Requinto na driver ng isa pang truck na may temporary plate number na 030110.

Itinurn over na ang mga naarestong driver at mga bigas sa Bureau of Customs sa Zamboanga para sa proper disposition.

Facebook Comments