SMUGGLING | PACC, ibinulgar ang ilang modus sa BOC

51

Manila, Philippines – Isiniwalat ng Presidential Anti Crime Commission ang nagaganap na bagong modus na smuggling sa Bureau of Customs na kinasasangkutan ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno.

Sa ginanap na presscon sa Manila sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na nakatanggap ng ulat ang PACC na mayroong insidente noong December 2017 na isang Mimbalawang -Bangsa-An Abdullah na natuklasang may sangkaterbang ginto na alahas na nagkakahalaga ng 15 milyong piso na hindi ideneklara sa BOC na umaabot sa mahigit anim na milyong pisong customs taxes,duties at excise tax kung saan namagitan si DOJ Assistant Secretary Moslemen Macarambon Sr. upang bumaba ang buwis na umaabot nalamang ng mahigit 1 milyong piso matapos na nakipag usap kay District Collector Ramon Anquilan.

Paliwanag ni Belgica na pangatlong operasyon na aniya ito ng mga smuggler na matagal ng binabantayan ng PACC dahil napag alaman nila na maraming padrino at kasabwat na kurap ang ilang mga opisyal ng gobyerno.

Giit ni Belgica na milyon-milyong piso aniya ang nawawala sa kaban ng gobyerno sa mga katiwaliaan na ginagawa ng ilang mga opisyal ng gobyerno na dapat napunta sa mga proyekto ng Duterte Administration para sa pakinabangan ng taong bayan.

Facebook Comments