Snatcher, huli matapos mambiktima ng call center agent

39

Manila, Philippines – Arestado sa follow-up operation ang mga snatcher na nakamotorsiklo na nanghablot ng mga cellphone ng dalawang call center agent sa magkahiwalay na insidente sa Maynila.

Ayon kay Police Inspector Edgardo Alombro, police community precinct commander ng University Belt, ang mga naarestong suspek ang itinuturong nanghablot ng cellphone ng isang call center agent sa España, Maynila.

Sa isa pang hiwalay na insidente, isang call center agent din na naghihintay sa gilid ng isang convenience store sa Sampaloc ang pinuntirya ng mga suspek.

Sabi ni Alombro, ang mga suspek ay mga residente ng Caloocan at miyembro umano ng grupong usok boys.

Facebook Comments