Soberenya ng Pilipinas sa West PH Sea, handang ipagtanggol ng militar – DND

Tiniyak ng Department of National Defense (DND) sa handa ang militar na ipagtanggol ang soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong – handa nilang gamitin ang lahat ng resources para rito.

Pero nilinaw ni Andolong na hindi ito nangangahulugang naghahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na makipaglaban sa mga dayuhang mananakop.


Ginawa ng DND ang pahayag kasunod ng pag-aligid ng Chinese vessels malapit sa mga islang inookupahan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, partikular sa Kalayaan Group of Islands.

Facebook Comments