SOCIAL ASSISTANCE PARA SA MGA RESIDENTE NG SUAL, IPINAMAHAGI NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN.

Pinangunahan ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III ang pamamahagi ng social assistance sa bayan ng Sual.
Ikinatuwa at ipinagpasalamat ng libu-libong residente ng nasabing bayan ang natanggap na pinansyal na tulong.
Bukod sa financial assistance, handog ng GUICOSiNA ang libreng masustansyang pagkain.
Nakibahagi sa pamamahagi ng social assistance sina Vice Governor Mark Lambino, Board Member Apolonia Bacay, Boad Member Napoleon Fontelera, Congressman Arthur Celeste, Vice Mayor John Christopher Arcinue, Arthur Celeste Jr., at ABONO Partylist Rep. Bobby Estrella.

Ang pamamahagi ng social assistance ay bahagi pa rin ng walang tigil na misyon ni Gov. Guico na maiabot ang mga serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga barangay ng buong Pangasinan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments