Tinanggap na ng mga Senior Citizens sa Dagupan City ang kanilang social pension para sa ikatlong kwarter ngayong taon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, hindi naantala ang kanilang pamamahagi upang agad nang matanggap ng mga benepisyaryo.
Bawat senior citizen ay makakatanggap ng 3,000 pesos na social pension na pangbuno sa gastusin para sa kanilang pangangailangan.
Sumailalim din sa check-up ang mga benepisyaryo at kondisyon sa Information Education Campaign at disaster preparedness upang maging handa ang mga nakatatanda sa anumang sakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









