SOCIAL PENSION NG MGA LOLO AT LOLA SA DAGUPAN CITY, NAIBIGAY NA

36

Naibigay na ang social pension ng 801 na lolo at lola sa Dagupan City.

Ibinigay ito ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga indigent na senior citizens.

Unang nabigyan ng social pension ang residente ng Barangay Lomboy, Bacayao Norte, Pantal at Bonuan Binloc.


Unang batch pa lamang ito ayon sa City Government kung saan nakatakdang makatanggap ang 5, 456 na Dagupeño sa isasagawang payout hanggang October 28.

Naging katuwang naman ng DSWD ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng health protocols kontra covid19 sa isinagawang payout.

Facebook Comments