Social Pension para sa mga senior citizens sa Navotas City, puwede nang makuha bukas

104

Maaari nang makuha bukas, June 29, ng mga senior citizen sa Navotas City ang kanilang social pension.

Isasagawa ang distribusyon ng pension sa North Bay Boulevard North Elementary School sa District 1 at sa Navotas Elementary School Central sa District 2.


Paglilinaw ng pamahalaang lungsod, hindi obligado ang mga senior citizen na kumuha ng kanilang pension kundi ang kanilang mga kinatawan lamang.

Kailangan lang na magdala ng authorization letter, original OSCA ID ng benepisyaryo, dalawang photocopy ng OSCA ID na may tatlong lagda, valid ID ng kinatawan, dalawang photo copy ng valid ID ng kinatawan at litrato na magkasama ang senior citizen at kinatawan hawak ang 2020 na kalendaryo.

Samantala, isasara bukas ng Navotas-LGU ang Bagong Lipunan Health Center sa Barangay San Jose para sa disinfection process.

Pero tuloy pa rin ang telekonsulta bukas at gagawin ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng private message sa Facebook page.

Sa huling update kahapon, umabot na sa 479 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, 261 ang recoveries at 46 ang nasawi.




Facebook Comments