Social protection para sa mga batang ina, tiniyak ng PopCom

50

Tiniyak ng Commission on Population and Development (PopCom) na tututukan nila ang pangangailangan ng mga batang ina.

Kasunod ito ng inaasahang pagsipa ng bilang ng mga menor de edad na mabubuntis ngayong taon.


Ayon kay Popcom Executive Director Juan Antonio Perez, sisimulan nila ang pagbibigay ng social protection sa mga batang ina.

Aniya, may kaniya-kaniyang programa na ang PopCom at iba’t ibang ahensiya tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) pero kailangan itong pagsamahin.

Tiniyak naman ni Perez na makikipag-ugnayan sila sa DSWD para matukoy kung saan kukuha ng pondo para dito.

Facebook Comments