SOJ Aguirre, nag-aalangang isailalim sa lifestyle check sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw na si Manse Carpio

46

Manila, Philippines – Atubili si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa rekomendasyon ng Senado sa NBI na isailalim sa lifestyle check ang anak ng Pangulong Duterte na si Paolo at manugang na si Manases Carpio.

Ayon kay Aguirre, pag-aaralan niya muna ang basehan ng nasabing kautusan lalo na’t draft pa lang naman ito.

Mahalaga aniyang matukoy kung kailangan pa ba talagang isailalim sa lifestyle check ang dalawa.

Batay sa report ng Senate Blue Ribbon Committee , bagamat wala namang ebidensya na mag-uugnay kina Paulo at Carpio sa drug smuggling ,pagkakataon na rin ito para bumalangkas ng batas kaugnay ng pagkakaladkad sa ilang miyembro ng first family.

Facebook Comments