Solaire vaccination hub sa Parañaque, binisita ng tatlong Israeli medical experts

Binisita ng tatlong medical experts mula sa Israel ang Solaire vaccination Hub sa Paranaque City.

Ang tatlong Israeli medical experts na dumating sa bansa noong Linggo ay sina Dr. Avraham Ben Zaken, Dr. Adam Nicholas Segal at Dr. Dafna Segol.

Kasama ng medical experts na nagtungo sa Solaire sina Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., Testing Czar Sec. Vince Dizon, Sec. Harry Roque at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez.


Ayon kay Sec. Galvez, kabilang sa tinatalakay nila sa pagbisita ng Israeli medical experts ang mga strategy sa vaccine deployment, paglipat sa new normal, at pagtugon sa problema kaugnay ng mga nag-aalinlangang magpabakuna.

Target ng pamahalaan na gayahin ang sistema ng Israel upang mahikayat ang mamamayan na magpabakuna.

Kabilang sa strategies ang pagbibigay ng insentibo sa mga nagpabakuna at ang pagpapairal ng restrictions sa hindi pa nababakunahan.

Mananatili sa bansa ang Israeli medical experts hanggang sa Biyernes.

Facebook Comments