Napakinabangan ng mga estudyante sa Carosucan Sur National High School ang mga computer na hatid ng Solar Mobile Computer Truck na siyang inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Asingan.
Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng kaalaman ang mga estudyante sa paggamit ng mga accessible computer at makipagsabayan sa inobasyon ng teknolohiya.
Ayon sa ilang guro sa naturang paaralan, pagsubok pa rin umano sa kanila ang pagkatuto ng mga estudyante sa computer, bagamat mayrooon naman umanong tatlumpong computer na binibigay ang Department of Education ay hindi pa rin umano ito sapat.
Laking pasasalamat at tuwa naman nila na nakagamit ang mga estudyante ng mga computer na hatid ng naturang mobile truck dahil malaki rin ang ambag nito upang magkaroon ng basic knowledge ang mga bata pagdating sa computer.
Ang naturang solar mobile computer truck ay mayroong labing apat na computer na maaaring magamit ng mga estudyante kasama na rin dito ang libreng wifi at aircon para sa maayos na bentilasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣