Solo parents sa Quezon City, bibigyan ng health assistance

Quezon City – Namahagi ang Quezon City Government ng Super Health Assistance Cards (SHAC) sa mahigit 300 solo parents na isinagawa sa Amoranto Performing Arts Theater.

Ipinagkaloob ito sa mga kwalipikadong solo parents kasama ang mga anak nilang di bababa sa edad 18 na aasistihan ng 300 pesos kada araw habang naka-confine sa ospital.

May limitasyon ng hanggang P3,000 kada taon ang bawat benepisyaryo.


Sa datos ng lokal na pamahalaan, nasa 21,000 ang rehistradong solo parents sa Quezon City Social Services Development Department (SSDD).

Lubos namang ang pasasalamat ng mga solo parents na nakatangga ng kanilang inisyal na SHAC at anila’y napakalaking tulong nito sa kanila lalo’t iisa lamang silang nagtatrabaho para buhayin ang kanilang mga anak.

Facebook Comments