SONA 2018 | Director ng ikatlong SONA ni P-Duterte na si Bb. Joyce Bernal, nag-ocular inspection na

107

Manila, Philippines – Nag-ocular inspection na sa Kamara ang director ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte si Joyce Bernal.

Ayon kay Bernal, gusto ni Duterte na maging makabayan o patriotic ang SONA ngayong taon.

Sabi ni Bernal, pinag-aaralan na nila ang magiging camera shot para sa SONA.

Pinag-aaralan na rin aniya nila paglalagay ng dagdag na ilaw dahil medyo madilim sa session hall.

Samantala, duda ang makabayan bloc na 30 minuto lang tatagal at galing sa puso ang gagawing SONA ng Pangulo.

Sabi ni ACT Teacher Partylist Representative Antonio Tinio, malamang ay puro pagmumura, pag-iinsulto, pambabastos sa mga kababaihan at pagbabanta lang ang lalamain ng SONA ng Pangulo.

Facebook Comments