SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, posibleng sa Batasang Pambansa pa rin isagawa

250

Posibleng sa Batasang Pambansa pa rin magsagawa ng State of the Nation Address (SONA) si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.

Ito ay inihayag ni Senator Sherwin Gatchalian sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa.


Ayon kay Gatchalian, hindi tulad ng mga nagdaang SONA ng Pangulo, wala nang iimbitahang VIPs at mga bisita ngayong taon.

Sinabi ng Senador na batay sa mga usap-usapan, tuloy ang ika-limang SONA ng Pangulo sa Batasang Pambansa Complex, pero tanging mga Senador at Kongresista na lamang ang makakasaksi.

Paglilinaw ng Senador, ito ay hindi pa opisyal at wala pang impormasyon mula kay Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Alan Peter Cayetano, at maging sa Malacañang.

Facebook Comments