Sorsogon1st district board member, patay sa pamamaril

95

Sorsogon, Philippines – Patay sa pamamaril ngayong araw dakong 8;50 ng umaga si Sorsogon 1st District Peter Ravanilla, matapos na magtamo ito ng tama ng bala sa kanyang ulo, nangyari ang pamamaril sa tapat ng Roda Building Barangay PangPang Sorsogon City.

Sa panayam ng RMN Sorsogon sa isang saksi na nagpakilalang Honorio Deniega na tauhan ng biktima, matapos umano nila mag-usap ay patungo na si Ravanilla sa kanyang sasakyan nang may biglang dumating na isang lalaki na naka kulay dilaw na damit at agad na pinaputokan sa ulo ang biktima, sa bilis ng pangyayari ay hindi nya na namukhaan ang suspek na kaagad naman nag tungo sa naghihintay na kasama nito na sakay ng isang motorsiklo.

Nagpapatuloy ngayon ang pag-iimbistiga ng Sorsogon PNP sa motibo ng pamamaril patay sa opisyal ng Sorsogon.

Samantala, si Ravanilla ay naglinkod ng 9 na taon bilang city councilor ng Sorsogon at tumakbong board member noong nakaraang 2016 eleksyon.

Facebook Comments