‘Soul searching’, hindi bagay sa mga taga-PhilHealth

Para kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, ang soul searching ay para lamang sa mga tao na may kaluluwa.

Sa tingin ni Lacson, hindi kasama rito ang mga opisyal ng PhilHealth na tila wala ng kaluluwa dahil sa pananamtala sa COVID-19 pandemic.

Tinukoy rin ni Lacson si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na walang ginawa bilang ex-Officio Chairman ng PhilHealth board.


Mensahe ito ni Lacson sa kanyang Twitter account makaraang ihayag ni Secretary Duque na susundin niya ang payo na magsagawa siya ng soul searching sa gitna ng kaliwa’t kanang alegasyon laban sa kanya.

Samantala, kumpyansa naman si Lacson na sapat na ang mga ebidensyang nakalap ng Senado para mapakasuhan ang mga tiwali sa PhilHealth.

Tinukoy ni Lacson ang mga opisyal na dokumento at sinumpaang testimonya na lumabas sa pagdinig ng Senado ukol sa mga anomalya sa PhilHealth.

Facebook Comments