South Korea, tiniyak na walang giyera sa pagitan ng US at NoKor

World – Tiniyak ni South Korean President Moon Jae-In na walang magagagnap na giyera sa pagitan ng United States at North Korea.

Ayon kay Moon maari silang magpadala ng envoy sa North Korea, oras na hindi ito tumigil sa pagsubok sa missiles.

Batay sa mga ulat, bagama’t magsasagawa ang US at South Korea ng joint military drills sa susunod na linggo, kahit na pinipigilan ito ng NoKor at China, hindi umano magaganap ang ikalawang giyera sa Korean Peninsula at sa US.


Facebook Comments