South Korean President Moon Jae-In, umapela sa North Korea na maayos na pauwiin ang kanilang mamamayan na nakakulong doon

58

South Korea – Umapela si South Korean President Moon Jae-In sa North Korea na pauwiin ng maayos ang mga South Koreans at Americans na nakakulong.

Kasunod na rin ito ng pagpanaw ng US college student na si Otto Warmbier na pinalaya ng Pyongyang pero na-comatose dahil sa tinamong matinding brain damage habang nakakulong.

Si Warmbier ay inakusahan ng pagnanakaw ng isang propaganda banner habang nasa tour sa North Korea at hinatulan sa kasong pagpapabasak sa nasabing bansa.

Sa ngayon ay tatlong US citizens at anim na South Koreans pa ang nasa kustodiya ng North Korea.

Facebook Comments