Southbound lane ng Roxas Boulevard, pansamantalang isasara bukas (May 20); alternatibong ruta para sa mga motorist, alamin

55

Manila, Philippines – Pansamantalang isasara bukas, May 20 ang ilang bahagi ng southbound lane ng Roxas Boulevard kaugnay ng gaganaping funrun ng Philippine Navy para sa kanilang ika-199th anniversary.

Sa abiso ng MPD traffic bureau, pagsapit ng alas 3:30 nang hapon, isasara na ang southbound lane ng Roxas Blvd. mula TM Kalaw Hanggang P. Ocampo Street.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motoristang manggagaling sa Bonifacio drive na kumaliwa na lamang sa P. Burgos papunta sa destinasyon.

Sa mga mangagaling naman sa Jones Bridge, Mc Arthur at Quezon Bridge, makabubuting dumaan sa Taft Avenue habang kumaliwa naman sa MH Del Pilar Street ang mga manggagaling sa westbound ng TM Kalaw.

Sa mga magmumula sa westbound lane ng P. Burgos Ave, kumanan sa Bonifacio Drive o mag u –turn sa eastbound lane ng P. Burgos.

Pinapayuhan naman ang mga magmumula sa westbound ng U.N. Avenue na kumaliwa sa MH Del Pilar Street o dumaan sa Roxas Blvd. service road.

At para naman sa mga motoristang manggagaling sa westbound lang ng President Quirino Avenue, kumaliwa sa Adriatico Street patungo sa destinasyon.
DZXL558

Facebook Comments