Southern part ng Mindanao, niyanig ng 4.5 magnitude na lindol

228

Mindanao – Niyanig ng 4.5 magnitude na lindol ang southern part ng Mindanao.

Ayon sa PHIVOLCS, nasa layong 331 kilometro sa timog silangan ng Sarangani, Davao Occidental ang epicenter ng lindol.

Naitala ang lindol kanina lamang ala-1:11 ng hapon.


May lalim itong 217 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang naiulat na pinsala at nasugatan at wala ring inaasahang aftershocks sa nasabing lindol.

Facebook Comments