Southern Police District, may bago nang hepe

217

Pormal nang umupo si Police Colonel Emmanuel Peralta bilang bagong Hepe ng Southern Police District o SPD.

Pinalitan ni Police Colonel Peralta si Police Brigadier General Nolasco Bathan na na-promote bilang Deputy Regional Director for Operations ng National Capital Region Police Office o NCRPO.


Pinangunahan ni NCRPO Director Police Major General Debold Sinas ang Change of Command Ceremony sa Southern Police District Headquarters sa Bicutan, Taguig City.

Magugunitang naging kontrobersyal si Major General Bathan matapos hablutin nito ang cellphone ng GMA 7 reporter na si Jun Veneracion sa kasagsagan ng Traslacion 2020 matapos arestuhin ang isang deboto na sinasabing nanggugulo sa prusisyon.

Facebook Comments