Tuesday, July 14, 2026

SP Alan Cayetano, nagpanukala kay Senate President Pro-Tempore Win Gatchalian na sabay silang lalagda sa mga dokumento; karapatan sa pag-preside sa impeachment trial, iginiit ng senador

Iminungkahi ni Senate President Alan Peter Cayetano kay Senate President Pro-Tempore Win Gatchalian na pareho nilang lagdaan ang mga dokumento sa Senado.

Ito ang inirekomendang solusyon ni Cayetano para resolbahin ang girian sa pagitan ng dalawang senador na parehong iginigiit ang karapatan sa liderato.

Ayon kay Cayetano, iminungkahi niya na pareho silang pumirma ni Gatchalian sa mga dokumento tulad ng pasweldo upang hindi maipit ang mga empleyado at iba pang staff ng Senado.

Sa ganitong paraan, aniya ay maiiwasan ang “legal infirmity” at “usurpation of authority.”

Gayunman, sinabi ni Cayetano na igigiit pa rin niya ang kanyang karapatan at posibleng hindi umabot sa kanya ang mga dokumentong kailangan niyang lagdaan dahil ang kapangyarihan ngayon ay nasa kampo ni Gatchalian, na aniya ay suportado ng Malacañang, National Bureau of Investigation (NBI), at maging ng Philippine National Police (PNP).

Facebook Comments