SP Sotto, iginiit na hindi siya kapit-tuko sa pwesto

Manila, Philippines – Nilinaw ni Senate President Tito Sotto III na walang nangyayaring palakasan sa pagpili o pagbibigay ng komite sa Senado.

Ito ay sa gitna ng ulat na mayroon ng siguradong komite sa 18th Congress ang mga baguhang senador na kaalyado Ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sotto, nakadepende ang pagbibigay ng komite sa adbokasiya at sa kakayahan ng mambabatas.


Aniya, sa ngayon ay wala pang pinal na pag-uusap kaugnay sa hatian ng komite.

Sabi pa ni Sotto, maituturing pa sa ngayon na wishlist ang pagnanais ng ilang senador na makakuha ng maraming komite.

Facebook Comments