SP Sotto, kayang maging VP ayon kay PDuterte

27

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na kwalipikadong maging susunod na bise presidente ng bansa si Senate President Vicente Sotto III.

Matatandaang kinumpirma na mismo ni Sotto na tatakbo siya sa pagka-bise presidente at katandem niya bilang pangulo si Senator Panfilo Lacson.


Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Duterte na kakayanin ni SP Sotto na maging pangalawang pangulo ng bansa.

“He is a good man. He can become a good vice president, “ sabi ni Pangulong Duterte.

“With due respect to Senator Sotto, who is also running for the vice presidency, he is a capable man, a good man, and a Filipino,” dagdag pa ng Pangulo.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na pinag-iisipan niya kung tatakbo siya sa pagkabise presidente sa susunod na taon dahil na rin sa pagbabanta ng kanyang mga kritiko na kasuhan siya pagkatapos ng kanyang termino.



Facebook Comments