SP03 Lascañas, naglabas ng hinanakit kay Senator Lacson

151

Manila, Philippines – Binigyang diin ngayon ni SPO3 Arthur Lascañas na marami ang naniniwala at nagmamalasakit kanya.

Ayon kay Lascañas, ang mga ito ang tumutulong sa kanya kaya siya ay nakalabas ng bansa.

Sagot ito ni Lascañas sa tanong ni Senator Panfilo Ping Lacson kung sino ang gumagastos sa kanyang pamamalagi sa Singapore kasama ang kanyang pamilya.

Sabi ni Lascañas, sa lahat ng tao ay si Senator Lacson dapat ang pinakamakakaunawa sa kanyang kalagayan.

Ito aniya ay dahil hinanap din ng awtoridad si Lacson noon pero lumabas din ito ng bansa dahil sa pangamba sa kanyang kaligatasan.

Paliwanag ni Lascanas, katulad niya ay marami din ang naniwala noon na tama ang ginagawa ni Lacson kaya maraming tumulong sa pag-alis nito ng bansa.

Ang mensahe ni Lascañasay inilabas ng office ni Senator Antonio Trillanes IV na sinasabing handler niya.

Si Trillanes naman hanggang ngayon ay wala pa ring mensahe kaugnay sa pagtungo sa abroad ni Lascañas.

Facebook Comments