SPA STUDENTS NG JUAN MACARAEG NATIONAL HIGH SCHOOL, IBINAHAGI ANG KANILANG TALENTO SA BAYAN NG BINALONAN

Binahagi ang kahusayan at talento ng mga SPA Students ng Juan Macaraeg National High School matapos lamang ang kanilang Recital Program na ginanap sa Ramon Guico Sports and Civic Center nito lamang nakaraang May 17 ngayong taon.
Sa temang “RAMBAK: Revitalizing Artistry and Magnifying Brilliance Abilities and Knowledge” mas nakita ang kanilang iba’t ibang husay at talento sa pagsayaw, pagkanta, at pagtugtog ng instrumento.
Sinuportahan ng Local Government ng Binalonan ang nasabing aktibidad. Tunay nga na punong puno ng talento ang mga Pangasinense kaya’t patuloy na ipakita sa buong mundo kung gaano tayo kagaling sa mga iba’t ibang larangan. |ifmnews

Facebook Comments