SPD, dinepensahan ang pulis nito na nanakit umano ng isang lady Grab driver sa Taguig

90

Ipinagtanggol ni Pol. Brig. Gen. Emmanuel Peralta, hepe ng Southern Police District o SPD ang isang police nito na nanakit umano ng isang lady Grab driver sa Taguig noong Martes.

Batay sa inilabas na video na nakuha mula sa CCTV sa lugar, makikita rito na nakaparada ang sasakyan ni Cpt. Ronald Saquilayan sa tapat ng isang malaking coffee shop sa Taguig at nasa likuran naman nito ang sasakyan ni Mary Florence Norial.

Taliwas sa video na ipinost ni Norial na sinaktan umano siya ng pulis.

Pero sa kuha ng CCTV, lumapit si Norial sa sasakyan ni Saquilayan at nang papasok na ang pulis sa kanyang sasakyan, sa pagbukas ng pinto nito bahagyang natulak ang babae at gumanti naman ito ng hampas sa pulis.

Kaya naman nang arestuhin na siya ni Saquilayan, doon na nagsisigaw at nagwala si Norial.

Batay sa ulat ng SPD, nagtutugma ang mga pahayag ng security guard ng establisyimento sa pahayag ni Saquilayan at ang kuha sa CCTV.

Payo naman ni SPD Chief Peralta sa publiko na huwag basta-bastang maniniwala sa mga nakikita sa social media.




Facebook Comments